Usap-usapan ngayon online ang isang lalaki mula sa India na nakapag-divorce sa kaniyang asawa dahil sa pagkain inihahapag nito sa kaniya araw-araw.
Ayon sa ulat, wala raw ibang pinapakain ang misis sa kaniyang mister tuwing almusal, tanghalian, at hapunan kundi Maggi instant noodles.
Reklamo ng lalaki, pumupunta naman sila ng grocery store upang mag-shopping ngunit tanging instant noodles lamang ang laging binibili ng kaniyang asawa.
Dahil dito, tinawag na "Maggi case," ang diborsyo ng mag-asawa. Kapwa umano napagkasunduan ng dalawa na tapusin na lamang ang kanilang relasyon at ipawalang-bisa ang kanilang kasal.
Ayon sa judge na humawak sa kaso ng mag-asawa na si ML Raghunath, pataas na nang pataas ang divorce rates sa India. Ang rason ng paghihiwalay ng mga mag-asawa sa bansa ay kadalasang nag-uugat lamang sa maliliit na bagay gaya ng hindi pag-uusap, paglalagay ng asin sa maling plato, hindi pagluluto, at hindi pagpili ng tamang kulay ng kasuotan.
Sa India, bago makapag-file ng divorce ang mga mag-asawa, kailangan muna nilang magsama o maghintay ng isang taon. Saad ni Raghunath, kung hindi ito naisabatas, malamang ay mas tataas pa ang divorce rates sa bansa.
"Couples have to stay together for at least a year before seeking divorce. If there was no such law, there would be divorce petitions filed directly from wedding halls.”
Source: The Philippine Star
No comments:
Post a Comment