CHECK THIS OUT:

Search

Hiling ng Incoming BIR chief kay BBM, maging 'role model' sa pagbabayad ng buwis


"'Puwede ho ba maging role model kayo?'"


Ito umano ang hihilingin ng incoming Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Lilia Guillermo kay President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. pagdating sa pagbabayad ng buwis kung sakali mang mapatunayan niya na mayroon ngang P203-bilyon na real property tax liabilities ang pamilya Marcos.


Sa isang panayam sa telebisyon nitong Miyerkules (June 23), naitanong kay Guillermo ang tungkol sa utang sa buwis ng mga Marcos.  Aniya, kailangan muna niyang suriin ang mga datos at dokumento bago maglatag ng aksyon ukol sa naturang isyu.


Ngunit kung may buwis ngang kailangan bayaran ang pamilya Marcos, hihilingin umano niya sa paparating na pangulo na maging modelo sa pagbabayad ng buwis.


"Actually sabi ko nga, I need to know details, I need to know... Alam mo ang sasabihin ko lang naman sa kaniya kung saka-sakaling I have to collect or BIR has to collect, sabihin ko sa kaniya this amount, hindi naman po talaga kayo ang magbabayad, it's the estate," sabi ni Guillermo sa ANC.


"'Puwede ho ba maging role model kayo?' 'Yun ang magiging ano eh. The Marcoses will now pay their taxes because nag-comply sa batas. It came from the Supreme Court, it's final and executory so, 'yun lang naman ang sasabihin ko sa kaniya. Pero I should have the correct data," patuloy niya.


Ayon kay Guillermo, personal na silang nagkita ni President-elect Marcos Jr. pero hindi pa nila napag-uusapan ang ipinupukol sa kanilang usapin sa buwis.


Inaasahan na sa Lunes makikita ni Guillermo ang mga dokumento na nagpapatunay umano sa utang sa buwis ng mga Marcos. 


Ayon kay Guillermo, kung sakaling totoo ngang umabot sa P200 bilyon ang halaga ng utang ng mga Marcos, malaki ang maitutulong nito sa koleksyon ng BIR.


"We have to convert those properties to cash para madagdag sa tax collections ng BIR. Give me the time to go over the documents. How much are we talking about? Hindi ko alam kung talagang P200 billion ‘yan, and maybe if that’s really the amount, imagine it will help really in the collections of BIR,” paliwanag niya.


Sa kabilang banda, wala pang pahayag ang kampo ni Marcos ukol sa sinabi ni Guillermo.


Pero dati ng sinabi ni incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez na susunod si Marcos sa kung ano mang magiging pasya ng korte at itinatakda ng batas.


Source: GMA News



 


No comments:

Post a Comment