CHECK THIS OUT:

Search

Chito Miranda, nag-photobomb sa graduation picture ng asawang si Neri



Halatang proud na proud ang singer na si Chito Miranda sa kaniyang asawa na si Neri sa pagtatapos nito ng kursong Business Administration, dahil sa pag-photobomb nito sa kaniyang graduation picture.


Sa Instagram ay ibinahagi ni Neri ang kaniyang larawan suot ang toga at graduation cap. Sa kaniyang background ay makikita si Chito na naka-ngiti at naka-peace sign.


Caption ni Neri sa kaniyang post, "Finally." Komento naman ni Chito, "Congrats, Mrs. Neri!!!" para ipakita ang kaniyang suporta.


Natapos ni Neri ang kaniyang degree sa University of Baguio. Noong 2020, nakatanggap din siya ng certificate of completion mula sa isang Entrepreneurship Essentials Program sa Harvard University.


Noong nakaraang taon ay naibahagi ni Chito na interesado ang kaniyang maybahay na kumuha ng Masters in Business Administration pagkatapos niyang gumradweyt. Sa katunayan ay nag-inquire na si Neri sa Ateneo Graduate School of Business para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.


No comments:

Post a Comment