Malaki ang utang na loob na tinatanaw ng isang mag-aaral mula sa Iloilo dahil sa mga sakripisyong ginagawa ng kaniyang amang magsasaka mapag-aral at maibigay lamang ang kaniyang mga pangangailangan sa buhay.
Nag-viral noong taong 2020 ang estudyanteng si Ela Marfil Sullano dahil sa kaniyang taos pusong pasasalamat at pagmamalaki sa kaniyang ama.
Si Ela ay nagtapos noon ng high school. Dahil sa kaniyang pagsusumikap at husay na ipinakita sa pag-aaral, nakatanggap siya nga sandamakmak na medalya at sertipiko sa kanilang moving up ceremony.
Proud ito na ibinahagi ni Ela sa kaniyang social media account. Ngunit ang umantig sa mga netizens ay kung paano niya inialay ang kaniyang mga parangal sa kaniyang butihing ama.
Ayon estudyante, ang dahilan kung bakit niya natamo ang kaniyang mga achievements sa buhay kaya naman kahit na anong mangyari ay hindi niya magagawang ikahiya ang hanapbuhay ng kaniyang ama.
"Nakapagtapos ako dahil sa dug0't pawis ng aking ama. #ProudDaughterOfAFarmer," sabi ni Ela kalakip ang larawan nilang mag-ama.
Maraming mga magulang ang naluha sa post ni Ela. Lahat sila ay umaasa na nawa ay magsilbing inspirasyon ang dalaga sa kapwa niya mga kabataan pagdating sa pagmamahal at pagtatanaw ng utang na loob sa sakripisyo ng kaniyang mga magulang.
No comments:
Post a Comment