CHECK THIS OUT:

Search

Pulis na tumili sa Tiktok, pinaghahanap ngayon ng PNP para kasuhan


Tinutunton ngayon ng Philippine National Police ang isa sa kanilang mga kapulisan mula sa Lanao del Sur upang sumailalim sa imbestigasyon dahil sa viral TikTok video nito kung saan inilantad niya ang kaniyang tunay na kasarian.


Ang pulis na may libo-libong follower sa Tiktok  ay kinilala bilang si Pat Algabid Said Marohomsalic na may TikTok username na @sgt.ghamidi.


Sa viral content ni Marohomsalic, sinabi niyang "Eto marami na nagtatanong sa ‘kin kung bakla ba talaga ako eh.”


Ilang saglit pa at lumabas ang sound effect ng tila nabasag na bagay at saka tumili si Marohomsalic, sabay sabing “Ay! Shuta ka!” sa tonong pang-bakla.


Dahil dito, ipinag-utos ni PMGen Omega Jireh Fidel ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), ang Regional Director ng Bangsamoro Police, na imbestigahan si Marohomsalic at kasuhan kung maaari.


Sa ngayon, hindi mahagilap ang kaniyang account sa TikTok  dahil tila nag-deactivate ito.


Source: TNT Abante

No comments:

Post a Comment