CHECK THIS OUT:

Search

Freedivers, nakatagpo ng lovelife under the sea!


Napapa-sana all nalang ngayon ang netizens sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki na nabuo sa ilalim ng karagatan dahil sa freediving sa Lapu-Lapu City, Cebu.

 

Sa kuwentong "Dapat Alam Mo!" ni JP Soriano, naibahagi na nagtagpo ng landas sina Mina Lanceta at Jan Andrei Suico sa dagat ng Kon Tiki Marina ng nasabing lungsod dahil pareho silang mahilig sa freediving. 


"I was with my friends doing fun dives and she was with her group doing line training. Tapos 'yung pinsan ko lumapit sa kanila, tinawag ako," kuwento ni Jan Andrei.


"First impression ko sa kaniya ay medyo bad boy, but friendly naman siya. Kasi kinukunan ko siya eh, laging naka-cap, laging nakaporma tapos laging nagpapakita ng abs," saad naman ni Mina.


Lumalim ang samahan ng dalawa dahil lagi noong kasama ni Mina si Jan Andrei sa kaniyang freediving trainings. 


Kalaunan ay tuluyan na silang naging magkarelasyon at ang freediving ang naging bonding at stress reliever nila sa kani-kanilang mga trabaho. 


"Freediving takes us back to where we were before," ani Jan Andrei.


"Sa freediving kasi it's a rule that we should not dive alone," ayon naman kay Mina.


"Noong nagte-training ako, nagpapa-certify ako, lagi siyang nandoon, naging safety ko at naging buddy ko na rin. Doon nag-grow ang aming relationship," dagdag ng dalaga.


Parehong magle-level-up ang skills ni Mina at Jan Andrei sa  Molchanovs Wave 2 freediving. Bukod dito, nakatakda rin silang magdiwang ng kaniyang anniversary ngayong Mayo. 

Source: GMA News


No comments:

Post a Comment