CHECK THIS OUT:

Search

Pokwang, naniningil ng utang sa mga kaibigan, kamagnak na BBM supporters


Sa pagtatapos ng eleksyon, nagpasaring ang komedyanteng si Pokwang sa kaniyang mga kaibigan at kamag-anak na nangutang sa kaniya at suportado sa pagkapangulo ni President-elect Bongbong Marcos.


Sa kaniyang tweet noong May 13, sinabi ni Pokwang na sana raw ay magbayad na at huwag magmalinis ang kaniyang mga taong nangutang sa kaniya ngyong tapos na ang eleksyon.


"Ok tapos na eleksyon tanggap tanggap narin ganon talaga… pero sana yung mga bmm na kamag  anak at friends na nangutang sakin bayad bayad narin ha ok? tapos na mga pinaglalaban  natin pare parehong nagsalita ng di maganda sa mga kandidato natin kaya  wag magmalinis ha," saad ni Pokwang.


Marami naman sa mga netizen ang nakisimpatya at naka-relate sa sitwasyon ng komedyante ngunit marami rin ang nagsabi ng hindi maganda ukol sa kaniyang post.


Gayunpaman, ani ni Pokwang mas pipiliin niya na lamang na ilaan ang kaniyang atensyon sa kaniyang bagong negosyo sa halip na patulan ang kaniyang mga basher.


"Wala akong time sa mga batugan na bashers hahahahaha mas marami akong oras simulan ang bagong negosyo at makapag bigay ng trabaho kahit ano pa man ang kulay mo basta masipag at tapat!! hiring soon."


Si Pokwang ay isang solid kakampink. sa kaniyang interview noong April 29, sinabi niya na wala siyang hinihinging kapalit sa pagsuporta niya sa pagkapangulo ng outgoing Vice President na si Leni Robredo.


No comments:

Post a Comment