Isang lola mula sa Mandaue City ang nakatanggap ng P100,000 cash gift mula sa kanilang lokal na pamahalaan dahil sa pagiging isang centenarian.
Si Lola Eleuteria Porlas o mas kilala bilang Inse Teria ay 100 taong gulang na at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Pagsabungan.
Isinilang ang centenarian noong April 18, 1922. Sa kabila ng kaniyang katandaan, mahihinuwa sa mga larawan na malakas pa ang pangangatawan nito.
Sa ilalim ng Republic Act 10868, o ang Centenarians Act of 2016, nakasaad na ang mga senior citizen na aabot sa edad na 100 ay mabibigyan ng parangal at centenarian gift na nagkakahalaga ng P100,000.
Sa sitwasyon ni Inse Teria, personal na inihatid sa kaniya ang kaniyang cash gift sa pangunguna nina Mandaue City Mayor Jonas Cortes, Councilor Tingsol Cabahug, chairman ng Committee on Senior Affairs, at Diosdado Suico, head ng Office of the Senior Citizens Affairs-Mandaue City.
Source: Pep.ph
No comments:
Post a Comment