CHECK THIS OUT:

Search

Paring nanalo ng P25k sa raffle, namudmod ng blessings sa mga nangangailangan



Marami ngayon ang humahanga sa isang pari na piniling ipamahagi sa kapwa ang kaniyang napanalunang  P25,000 worth of gift check sa raffle promo ng isang sikat na supermarket.


Himbis na sarilihin ang nakuhang premyo, napagdesisyunan ni Father Marlito Ocon na gamitin nalang ang kaniyang nakuhang GC pambili ng makakain 100-150  watchers of poor ER patients sa Philippine General Hospital. 


Dahil sa kabutihang puso ni Fr. Lito, dinagdagan pa ng supermarket ang kaniyang premyo ng P10,000 bilang tulong sa mga taong nangangailangan at nais tulungan ng pari.


Ayon sa ulat ng Philippine Star, noon pa man ay matulungin na raw si Fr. Lito higit lalo sa mga mahihirap at mayroong karamdaman.

No comments:

Post a Comment