CHECK THIS OUT:

Search

Movie Queen Susan Roces, pumanaw na sa edad na 80

 


Nagluluksa ngayon ang buong Philippine film and television industry sa pagpanaw ng batikang aktres na si Susan Roces sa edad na 80.


Ang malungkot na balita ay nakumpirma sa social media account ng kaniyang pamangkin na si Lawrence Cruz Sonora.


Si Sonora ang panganay na anak ng aktres na si Rosemarie Sonora, nakababatang kapatid ni Roces.


 “RIP Mama Inday” ang caption ni Sonora sa larawang ibinahagi niya nitong May 20, na kung saan kasama niya ang kaniyang tiyahin.


Si Roces ay ipinanganak noong July 29, 1941. Una siyang pumasok sa showbiz noong 1952 nang pagbidahan niya ang pelikulang "Mga Bituin ng Kinabukasan."


Huling napanood si Roces FPJ’s Ang Probinsyano na kung saan gumanap siya bilang lola ni Cardo na siya namang ginagampanan ni Coco Martin.

No comments:

Post a Comment