CHECK THIS OUT:

Search

Heart Evangelista, inaming nasubukang makipag-one-night stand


Patuloy na nagbibigay ng thrill sa social media ang aktres na si Heart Evangelista hindi lang sa kaniyang fashion taste at sexy bikini photos kundi maging sa kaniyang mga sikreto na kusang loob niyang isinisiwalat.


Nito lamang nakaraan ay inamin ni Heart na nasubukan niya na rin noon na makipag-one-night-stand.


Isinapubliko ito ng aktres sa kaniyang YouTube vlog kung saan makikita siyang naglalaro ng "Never Have I Ever" game kasama ang kaniyang mga kaibigan.


Mabilis namang kinlaro ni Heart na kalaunan ay naging karelasyon niya rin ang kaniyang mga nakaka-one-night stand.


“Lahat ng naka-one-night stand ko, naging kami,” paglilinaw ni Heart.


Gayunpaman, hindi na naging detelyado pa ang socialite sa pangalan ng mga lalaking naging kaniyang ka-relasyon.


Ilan sa mga sikat na aktor na na-link kay Heart ay sina John Prats, Jericho Rosales at Daniel Matsunaga.

No comments:

Post a Comment