Ngayong unti-unti ng nakikita ang bilang ng boto ng sambayanang Pilipino, hinihikayat ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang mga taga-suporta na tanggapin ano man ang magiging resulta ng 2022 election.
Base sa partial results, nangunguna sa pagka-Presidente si Bongbong Marcos habang pangalawa naman si Robredo.
“Gayumpaman, sinasabi ko sa inyo: Alam kong mahal natin ang bansa, pero hindi puwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ang pagmamahal na ito."
“Palinaw na nang palinaw ang tinig ng taumbayan. Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal rin ninyo: Kailangan nating pakinggan ang tinig na ito, dahil sa huli, iisa lang ang bayang pinagsasaluhan natin,” ani Robredo.
Paglilinaw naman ng presidential aspirant, hindi sa eleksyon natatapos ang kaniyang paninilbihan bilang isang public servant. Patuloy aniya siyang tutulong sa mga nangangailangan at pag-angat ng mga nasa laylayan.
Gayunpaman, ayon kay Robredo, makikipag-ugnayan siya sa mga eksperto upang pag-aralan ang mga naging iregularidad ngayong eleksyon.
Source: PhilStarhttps://www.philstar.com/headlines/2022/05/10/2180067/full-text-robredos-message-supporters
No comments:
Post a Comment