Sa ospital ang bagsak ng 49-anyos na lalaki mula sa Imus, Cavite matapos kumasa sa katuwaan nilang magkakamag-anak na kung tawagin ay inuman challenge.
Sa challenge na ito ay kailangan uminom ng mga kalahok ng limang baso ng iba't ibang uri ng alak na nakahilera sa kanilang lamesa. Ang pinakamabilis at magagawang tunggain ang limang hilera ng alak ay mananalo ng P2,500.
Game na game naman na nakisali ang aminadong "tomador" na si Restie Badillo.
Kitang-kita pa sa isang video kung paano siya nagwagi sa naturang challenge.
Tuwang-tuwa pa ito dahil siya ang makapag-uuwi ng papremyo ngunit ang kaniya palang mauuwing salapi ay kulang pa pambayad sa kaniyang pagpapa-ospital.
Ilang saglit lamang kasi matapos ang inuman challenge ay biglang sumama ang pakiramdam ni Badillo. Nagsuka ito nang napakarami hanggang sa nawalan ng malay.
Agad na isinugod si Badillo sa ospital ngunit nang makarating ito roon, nangingitim at hinahabol niya na ang kaniyang paghinga. At ilang saglit din matapos siyang suriin ng doktor, idineklara na siyang comatose.
Ano nga ba ang kinalaman ng inuman challenge na nilahukan ni Badillo sa kaniyang biglaang pagkakahantong sa comatose? Maka-recover pa kaya ito at makapamuhay ng normal?
Alamin ang kaniyang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
No comments:
Post a Comment