CHECK THIS OUT:

Search

Hiling ni Sharon Cuneta: respeto, pagmamahal, at pag-unawa


"Respeto, pagmamahal, at pag-unawa. 'Yun lang sana."


Ito ang simple ngunit makabuluhang hiling na ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang Instagram account kahapon, May 16.


Hindi malinaw kung para kanino ang mensahe ng tanyag na singer ngunit maraming netizens ang napa-react dito at nag-ugnay sa nagdaang eleksyon.


"Respeto para sa majority and results ng election," komento ng isang netizen.


"Kung magsalita ka ng ganyan simulan mo muna sa sarili mo madam Sharon. Para Maging good example ka sa mamayanan pilipino," dagdag din ng isa pang Instagram user.


Si Cuneta ang maybahay ni Vice Presidential candidate Kiko Pangilinan na bigong maluklok sa inaasam na posisyon noong nakaraang eleksyon.


Ang aktres din ang ina ni Kakie Pangilinan na aktibong nakikilahok sa mga usaping panglipunan at naging usap-usapan kamaikailan matapos niyang sabihin na hindi niya kikilalaning Pangulo ng Pilipinas ang President-elect na si Bongbong Marcos. 




No comments:

Post a Comment