CHECK THIS OUT:

Search

19 estudyante, 2 guro pinagbabaril sa eskwelahan; 18-anyos na binata suspek


Patay ang 21 katao sa isang paaralan sa Uvalde, Texas noong Martes (May 24) matapos silang pagbabarilin ng suspek na 18 taong gulang lamang.


Ang mga biktima, binubuo ng 19 na mag-aaral at dalawang guro. Napatay din kalaunan ang rumespondeng opisyal ng US Border Patrol ng suspek na si Salvador Ramos. 


Ayon kay Uvalde Consolidated Independent School District Chief of Police Pete Arredondo, iniwan ni Ramos ang kaniyang sasakyan at saka pinasok ang Robb Elementary School ganap na alas-11:32 ng umaga.


Doon ay nagpaputok siya ng AR-15 semi-automatic rifle na tumama sa mga biktima. 


Base sa tala ng awtoridad, 13 bata pa ang isinugod sa ospital habang kritikal ang kondisyon ng 66-anyos na babae at 10 taong gulang na estudyante.


Kasalukuyan pa ngayong inaalam ang motibo sa pagpatay ng suspek. Samantala, iniutos ni US President Joe Biden na iwagayway ng naka-half mast ang mga bandila sa White House at iba pang federal building sa Amerika bilang pag-alala sa mga biktima ng masaker.



No comments:

Post a Comment