CHECK THIS OUT:

Search

Dating mayaman na vice mayor, isa nalang ngayong sepulturero

 


Mula sa marangyang buhay bilang isang negosyante at vice mayor, isa nalang ngayong sepulturero sa isang public cemetery sa Victoria, Laguna ang 83-anyos na si Jaime Sancon.


Si Lolo Jaime ay dating alkalde ng kanilang bayan noong 1986. Kilala rin siya bilang isa sa mga mayayamang residente ng kanilang lugar dahil sa kaniyang mga pag-aari gaya ng rice mill, gas station, mga sasakyan at magandang bahay.


Nagsimulang maghirap ang pamilya ni Lolo Jaime nang mabaon sa utang dulot ng sugal ang kaniyang asawa na si Carmelita.


Unti-unting naubos ang kanilang ari-arian lalo na ng pumanaw si Carmelita dahil sa kaniyang karamdaman. Ngayon, isa nalang tagalinis ng puntod sa sementeryo si Lolo Jaime. Nakikitira lang din siya sa kaniyang mga kapatid dahil sa wala na itong sariling tahanan.


Ayon sa matanda, hindi naman niya ikinahihiya ang kinahinatnan ng kaniyang buhay. Sa katunayan masaya siya sa kaniyang trabaho dahil nagkakaroon siya ng oportunidad na madalaw nang madalas ang puntod ng kaniyang asawa.


"Gusto ko'y kapiling ko ang asawa ko sa araw-araw. Kahit mababa ang suweldo ko pinagtitira ko ng pambili ng kandila," ani Mang Jaime.


Sa isang araw, P300 lamang ang kinikita ni Lolo Jaime pero gaano man ito kaliit masaya siya sa trabaho na ipinagkaloob sa kaniyang ng kanilang munisipyo.

No comments:

Post a Comment