Naging mas makabuluhan ang kasal ng 30-anyos na si Ma. Loufel Pasaol dahil sa ginawa niyang tribute o pasasalamat sa kaniyang mga magulang.
Ikinasal si Loufel, isang cabin crew member ng Qatar Airways kay Joseph Andro L. Sicat, isang 29-year-old professional photographer, sa Cebu noong April 11, 2022.
Sa halip na magpagawa magarbong wedding gown, pinili ni Loufel na gamitin ang traje de boda na isinuot ng kaniyang ina na si Marylou, apat na dekada na ang nakararaan.
Ayon kay Joseph, naisipan ito ng kaniyang misis bilang pag-alala at pasasalamat sa kaniyang ama na pumanaw noong taong 2014 at sa kaniyang ina na nagsakripisyo para sa kanilang ikabubuti.
Ikanasal ang ina at ama ni Loufel noong taong 1982. Ang gumawa ng naturang gown ay ang kaibigan ni Marylou na si Myrisia Roble.
Sa tulong ng isang Cebuano designer na si Lemuel Rosos, nagkaroon lamang ng alteration or kaunting pagbabago sa wedding gown upang mas bumagay ito kay Loufel.
Naging emosyonal naman si Nanay Marylou nang makita ang kaniyang anak na suot ang traje de boda na minsan niyang isinuot sa isa sa kaniyang mga pinakaespesyal na araw.
Source: Pep.ph
No comments:
Post a Comment