CHECK THIS OUT:

Search

Clarita Carlos, hinikayat ang publiko na ipagdasal ang paggaling ni Kris Aquino


Nanawagan ng sama-samang panalangin ang retired UP professor na si Clarita Carlos para sa mabilis na paggaling ni Kris Aquino mula sa kaniyang mga karamdaman.


Si Kris na kilala bilang Queen of all Media ay napag-alamang mayroong tatlong autoimmune diseases na pawang delikado sa kaniyang kalusugan kung hindi mabibigyan ng karampatang lunas.


Sa isang Facebook post, sinabi ni Carlos na isa siya sa mga sumubaybay sa paglaki ng  bunsong anak nina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Corazon C. Aquino na parehong namayapa na.


Aniya, bilib siya sa katalinuhan ni Kris simula noong siya ay bata pa lamang. Hanga rin siya sa personalidad at mataas na kumpiyansa sa sarili.


“I first saw Kris Aquino when she was like 8 years old, while cutting the ribbon of a fast food outlet at the SM North mall.


“She delivered her short speech extemp and she was very articulate.


“We have followed her to her adulthood as the feisty, fun loving daughter of our president.


“I have always admired her chutzpah… being her own person and not really caring a whit what the rest of us think," kwento ng dating propesor.


Ngayong higit na kailan ni Kris ang panalangin para sa kaniyang mga karamdaman, nanawagin si Carlos na samahan siya sa pagdarasal para sa mabilis na paggaling ng aktres. 


“Today, given her very serious medical challenge, I hope you will join me in summoning all the positive energy of the universe, to help her heal…Thank you,” mensahe niya.


Umani naman ng iba't-ibang reaction ang Facebook post ni Carlos. Marami rin ang nag-share nito at nagpahayag ng kaniyang panalangin para sa kalusugan ni Kris at ng kaniyang buong pamilya.

No comments:

Post a Comment