CHECK THIS OUT:

Search

Kylie Padilla natatakot para sa ama na papasok sa politika bilang senador

 


Takot ang nararamdaman ng aktres na si Kylie Padilla sa pagpasok ng kaniyang amang si Robin sa politika bilang bagong miyembro ng senado sa loob ng anim na taon.


Pagsiwalat ni Kylie, hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip niya na siya ngayon ay anak na ng isang senador matapos manguna ng kaniyang ama sa senatorial race sa nagdaang 2022 elections.


Kalakip nito, nakararamdam siya at ang kaniyang pamilya ng takot at pag-aalala para kay Robin dahil sa magulong kalakaran sa politika ng bansa.


Gayunpaman, suportado raw ni Kylie ang kaniyang ama at proud siya rito dahil sa kaniyang kagustuhan na makatulong sa mamamayang Pilipino. 


"Ayokong ipasok siya sa utak ko. Just to keep me grounded,” sabi ni Kylie sa kaniyang panayam sa 24 Oras.


“May mga fears din kami, siyempre, politics ‘yan, eh. Kahit ano ang mangyari, may fears ka, magulo. Pero  if I’m just thinking about what my Dad wants, his dreams, mga gusto niyang mangyari para sa mga tao, I’m happy for him and I’m proud of him,” dagdag niya.


Source: Philstar

No comments:

Post a Comment