CHECK THIS OUT:

Search

Batang babae patay matapos tamaan ng kidlat habang naliligo sa sa ulan

 


Binawian ng buhay  ang isang 12-anyos na babae at sugatan ang kaniyang kapatid matapos tamaan ng kidlat habang sila ay naliligo sa ulan sa labas ng kanilang bahay sa San Carlos City, Pangasinan.


Kinilala ang biktima na si Joanna Domantay, ng Barangay Kubol sa nasabing lungsod. Ayon sa kaniyang tiyahin ng mga biktima na si Teresita Domantay, naliligo ang mga bata nang biglang kumulog nang malakas.


"Pagka ano ng kapatid niya sabi namin sa kaniya bakit ka naliligo sa ulan. 'Yon po humihingi na po ng tulong yung kapatid niya gumugulong po sa kamanggahan. 'Tiya tulong si ate natamaan ng kidlat," sabi ni Teresita.


Nadala pa sa ospital ang mga biktima pero binawian ng buhay si Joanna at kasalukuyang nagpapagaling naman ang kaniyang kapatid sa tama ng kidlat sa binti.


Mababakas pa sa puno ang naging tama ng kidlat at ang payo ng mga awtoridad, iwasan ang paglagi sa labas ng bahay o sa open area upang hindi tamaan ng kidlat.


Iwasan din ang pagamit ng gadgets kapag mayroong kulog at kidlat, huwag manatili sa mga matataas na puno at poste ng kuryente.

No comments:

Post a Comment