CHECK THIS OUT:

Search

Panoorin: Worth P30k na drone, bato na ng dumating sa online buyer

 


Labis ang pagkadismaya ng isang customer mula sa Brgy. San Vicente, Santa Ana, Cagayan matapos niyang makatanggap ng bato sa halip na drone mula sa isang online shopping application na kaniyang pinagbilhan.


Sa isang video na mabilis na nag-viral online, makikitang sabik na nag-a-unboxing ang customer na si Ma. Kristina Li ng kahon na idineliver sa kaniya. Ito na kasi ang hinihintay niyang drone na nabili niya sa halagang P30,000.


Ngunit nagtaka ang asawa ni Kristina sa liit ng box na natanggap nila. Kaya naman, sa harap mismo ng delivery rider, ay napagdesisyunan nilang buksan na ito agad.


Pagkabukas ng parcel, nagulat ang lahat dahil hindi drone kundi malalaking tipak ng bato ang bumungad kay Kristina na nakabalot pa sa plastic at bubble wrap.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ibinalik naman ng rider ang mahigit P30,000 na ibinayad sa kaniya ni Kristina. 




No comments:

Post a Comment