CHECK THIS OUT:

Search

Dagul, hindi na makapaglakad; humihingi ng tulong pampaaral sa mga anak


Masakit at madamdamin ang muling pagharap ng komedyanteng si Dagul or Romeo Pastrana sa publiko dahil sa kaniyang hirap na kondisyon at kakulangan sa kakayahang pinansyal.


Sa panayam ni Ogie Diaz sa pamamagitan ng kaniyang Youtube vlog, ay nagbahagi si Dagul ng ilang sa kaniyang mga kinahaharap ngayon sa kaniyang personal na buhay.


Pag-amin niya, siya ay kasalukuyang umaasa na lamang sa wheelchair at pagbuhat ng kaniyang mga anak dahil sa hindi na nito kaya pang maglakad at tumayo nang matagal.


“Kapag tumayo ako hindi ako tumatagal, hindi ako makakalakad, nakaupo lang. Binubuhat ako ng anak ko para pumasok sa opisina namin,” paglalahad ni Dagul.


“’Yung nasa isip ko ba’t ganu’n ‘yung nangyari sa akin? Hindi ko na kayang maglakad mahina na ang tuhod ko. Samantalang dati ang liksi ko. Iniisip ko nga eh, ba’t ganu’n, ano ang nangyari?” emmosyonal niya pang pagsasalaysay.


Bukod sa kaniyang iniindang kapansanan, malaki rin ang problema ni Dagul sa pinansiyal. Aniya, dahil sa kaniyang kondisyon at maging ng pandemya, halos hindi na niya maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.


Pagsisiwalat niya pa nga, hindi na niya kayang paaralin ang kaniyang mga anak na hindi pa nakapagtatapos ng pag-aaral. Hindi rin kasi sapat ang natatanggap niyang honoraria sa paglilingkod sa kanilang barangay.


“Nu’ng pumasok ako sa showbiz, dalawa pa lang ‘yung anak ko nu’n. Napag-aral ko sila sa private school. Napagtapos ko sila ng high school. Nag-college sila.  Pero nawalan ako ng trabaho. Sumabay pa ang pandemic  Nawalan na rin ng mga raket. Walang show."

 

"Wala akong kinikita. Walang-wala talaga kami. Iniisip ko, ‘Paano ko mapapag-aral ‘yung mga bata?"


Dahil dito, nananawagan si Dagul na sana ay mayroong mga mabubuting kalooban na tumulong sa pag-aaral ng kaniyang mga anak dahil hangad niya na makapagtapos sila nang sa gayon ay maiahon nila ang kanilang sarili sa kahirapan.

No comments:

Post a Comment