CHECK THIS OUT:

Search

19-anyos na dalaga na inakalang kinidnap, nasa bahay lang pala ng nobyo


Isang ina mula sa Cebu City ang halos mabaliw sa pag-aalala sa kaniyang anak na babae na bigla nalang nawala at hindi nagparamdaman nito lamang nakaraang Marso.


Ayon sa ulat, noong March 22, ay napagdesisyunan ng inang si Marifel Lofranco na humingi ng tulong sa awtoridad upang mahanap ang 'di umano'y nawawala niyang anak na si Jherica, 19-anyos.


Inakala ni Marifel na na-kidnap ang kaniyang anak dahil isang linggo na itong hindi umuuwi sa kanilang tahanan.


Dahil sa impormasyong ito ni Marifel, dali-daling kumilos ang mga kapulisan. Matapos ang masusing imbestigasyon, natagpuan ang dalaga nang ligtas at malayo sa kapahamakan.


Ayon sa mga pulis, si Jherica ay hindi na-kidnap. Natagpuan nila ito sa bahay ng kaniyang nobyo na si Herbert Berdin na taga Tabogon City, Cebu.


Balak daw magtanan ng dalawa kung kaya hindi umuuwi at nagpaparamdam si Jherica sa kaniyang ina.


Bagama't labis na pag-aalala ang natamo ni Marifel sa ginawa ng kaniyang anak, labis pa rin ang kaniyang pasasalamat nang makita niya itong ligtas.


Humahagulgol ito sa iyak habang tila wala namang reaksyon ang anak niyang si Jherica.


No comments:

Post a Comment