CHECK THIS OUT:

Search

Pagtatagpo ng isang nagpapari at nagmamadre, nauwi sa kasalan


Tumutol man ang lahat, mananaig pa rin ang pag-iibigan ng mag-asawang sina Ferdinand “Ferd” Escullar at Maria Isabel “Ria” Roquiño-Escullar na kapwa nanilbihan sa Panginoon sa loob ng simbahan.


Dapat ay magpapari si Ferd at magmamadre naman si Ria ngunit iba ang igunuhit na kapalaran ng tadhana sa kanilang dalawa.


Labing-isang taon namalagi si Ferd sa seminaryo. Napagdesisyunan niyang magpari matapos silang himalang makaligtas ng kaniyang ina sa isang aksidente.


“That was the time na sabi ko, ‘Lord, once na makaligtas kami dito, lahat ng pasahero, including my mom, ay susunod ako sa yapak Mo at magpapari,” kwento ni Ferd.


Si Ria naman ay tatlong taong nanatili sa kumbento. Ayon naman sa kaniya, naisip niyang maglingkod sa Diyos matapos niyang makaramdam ng kagustuhang pumasok sa kumbento nang makakita ng mga madre noon.


Gayunpaman, napilitang lumabas si Ria sa kumbento matapos magkasakit ng kaniyang ama. At nang makapagtapos siya ng pag-aaral, napagtanto niya na hindi pala para sa kaniya ang pagmamadre.


Taong 2016, lumabas din ng seminaryo si Ferd at umuwi sa kaniyang pamilya sa Sorsogon. Nang makita niyang ikinasal ang dati niyang kaklase mula sa high school, nakaramdam  daw bigla si Ferd ng kagustuhan na magkaroon din ng sariling pamilya.


Unang nagkrus ang landas ng dalawa sa simbahan nang binyagan noon ang pamangkin ni Ria, habangg naglilingkot si Ferd sa pari. Nasundan ang kanilang pagkikita sa isang youth formation kung saan naka-assign si Ferd.


Kalaunan ay nagkamabutihan ang dalawa hanggang sa napagdesisyunan na ni Ferd na ligawan si Ria.


Noong una ay tumutol ang kanilang mga magulang sa kanilang namumuong relasyon ngunit hindi nagtagal ay natanggap din sila ng mga ito. Gayunpaman, hindi natigil ang panghuhusga ng mga tao sa kanilang paligid.


“Napakadaming panghuhusga mula sa ibang tao ang naranasan namin," sabi ni Ria.


"Madalas kaming sabihang Salot at Hindi magandang halimbawa sa iba dahil tila kami raw ay parehong tumalikod sa Diyos,” dagdag pa niya.


Sa kabila ng samu't-saring batikos, nanatiling matatag sina Ria at Ferd at noon lamang April 2021, sila ay tuluyan ng nagpakasal.


Source: Pep.ph


No comments:

Post a Comment