CHECK THIS OUT:

Search

Napagbintangang kriminal noon, pulis na ngayon: 'Proud ako sa nangyari sa akin'


Mula sa masalimuot na karanasan matapos mapagbintangang suspek sa isang krimen, muling bumangon ang 28-anyos na si Franz Angelo Dizon at napagdesisyunang maging isang pulis.


Taong 2018 nang masangkot si Franz sa kasong panggagahasa at pangmomolestiya sa dalawang menor de edad sa Sampaloc, Maynila.


Galing lang daw noon si Franz at ang kaniyang mga kaibigan sa inuman nang bigla maharap sa kasong rape at acts of lasciviousness dahilan upang siya ay ma-detain sa kulungan.


“Actually, wala naman akong pagsisisi kasi di ko naman siya ginawa,” pagbabahagi ni Franz sa GMA Public Affairs program na Dapat Alam Mo! noong April 5, 2022.


Bagama't malinis ang konsensiya ni Franz, para bang gumuho raw ang kaniyang mundo simula nang siya ay mapagkamalang kriminal.


“Napagbintangan lang ako, pero nung mga panahong iyon ang naisip ko talaga, ‘Wala na. Katapusan na ng lahat.’”


“Sobrang hirap, sobrang crowded. Matutulog kayo nang dikit-dikit, as in skin to skin kayo.


“Yung iba, natutulog nang nakatayo.”


Pagkalipas ng isang buwan ay nakalaya rin naman si Franz dahil walang matibay na ebidensiya ang maipukol sa kaniya. Gayunpaman, nanatili siyang bilanggo sa panghuhusga sa kaniyang pagkatao.


“Bumaba yung kumpiyansa ko sa sarili ko. Lumiit yung tingin ko sa sarili ko.


“Parang di makalabas, di makatingin sa mga tao. Parang nahihiya ako.”


Dahil sa kagustuhang bumangon at patunayan ang sarili, napagdesisyunan ni Franz na maging isang pulis. Makalipas lamang ng isang taong training siya ay naging ganap ng alagad ng batas.


“Naging proud na rin ako sa sarili. Proud ako sa nangyari sa akin.


"Ito ako ngayon, nagsisilbi ako sa bayan, despite the fact na may nangyari sa past ko na di maganda.


“Bumangon ako sa pagkakadapa ko,” kwento ni Franz.


Source: PEP.ph

No comments:

Post a Comment