Isang kasaysayan ang ibinandera ng Philippine Air Force matapos ipakilala ang kauna-unahang female fighter pilot sa bansa noong March 30, 2022 mula sa 5th Fighter Wing sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.
Nakatakdang paliparin ni First Lieutenant Laiza Mae Camposano-Beran ang Italian-made AS-211, limang taon matapos ang kaniyang pagtatapos mula sa Philippine Air Force Flying School.
Si Beran na tubong Tulunan, Cotabato ay graduate ng Philippine Military Academy Sinaglahi Class of 2015.
Siya rin ang ika-limang babae na nakatanggap ng Athletic Saber Award sa lahat ng 170 miyembro sa kanilang klase.
Ayon sa Philippine Air Force, kaisa sila sa pagkilala sa kakayahan ng mga kababaihan sa bansa.
Source: Esquire
No comments:
Post a Comment