CHECK THIS OUT:

Search

Lola iginapos, matapos pagbintangang aswang


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang matandang babae sa kaniyang mga kapitbahay matapos siyang igapos ng mga ito sa pag-aakala na siya ay isang aswang.


Sa viral post ng Facebook page na Hinigaran Daily Bulletin, sinabing noong Pebrero 3, 2022 ay natagpuan ang lola sa isang bubong ng bahay sa Barangay Gargato Banwa Hinigaran, Negros Occidental.


Inakala ng mga residente na siya ay isang aswang kung kaya dali-dali itong pinababa mula sa bubong habang nagsisigawan ang mga tao.


Sa labis na takot, iginapos ng taong bayan ang matanda. Hindi na ito nakapalag dahil may dalang mga kahoy ang kumuyog sa kaniya.


Ngunit ilang sandali pa ay dumating ang mga kaanak ng kaawa-awang lola. Ayon sa kanila, hindi aswang ang matanda, bagkus, ito ay may sakit sa pag-iisip kung kaya hindi na nito alam ang kaniyang pinaggagawa.


Gayunpaman, maraming residente pa rin ang hindi naniwala dahil hindi pa rin nila mawari kung paano nakarating ang matanda sa ibabaw ng bubong.

No comments:

Post a Comment