Hindi man magkapareho ang kanilang mga magulang, ang turing nila sa isa't isa ay parang isang kapatid na rin, yan ang mag kakaibigang sina Lola Norie, Lola Intang at Lola Nila ng Majayjay, Laguna.
Simula pa noong 1930's, 85 years na silang mga kakaibigan kaya talagang dumaan na sila sa matitinding pagsubok ang kanilang pagkakaibigan, simula pa noong World War 2 hanggang sa COVID-19 ngayon.
15 lang naman ang kanilang presidente ng Pilipinas ang kanilang inabutan, Ayon kay Lola Nila, para na talagang magkakapatid ang kanilang turingan. Bata pa lang, sobrang close na silang tatlo.
Noong taong 1937 nang unang maging magkaklase sa grade 1 sina Lola Nila at Lola Norie at nang tumungtong sila sa grade 2. doon naman nila nakilala at naging kaibigan din si Lola Intang.
Sa kanilang tatlo, si Lola Norie raw ang pinakamaporma, si Lola Nila naman ang pinakarelihiyosa at tanging nakapagtapos sa kanilang tatlo. Habang si Lola Norie, ang itinuturing nilang pinakamahaba ang hair dahil sa ito ang pinakaligawin sa kanila.
Matagal narin hindi nag kikita sa personal ang tatlo ngunit hindi naman napuputol ang kanilang komunikasyon dahil nandyan naman ang video call.
Nahihirapan narin mag lakad si lola Norie na kailangan pa itong alalayan sa pagtayo. habang ito naman si lola Intang tinamaan siya noon ng COVID-19 at mapalad na nakaligtas, kahit hindi raw sila nagkikita lagi raw nasa puso nilang tatlo ang isat isa.
Para malibang si Lola Norie, dadalhin siya sa dati nilang tagpuan na magkakaibigan sa dati nilang eskwelahan noong nasa elementarya pa sila. Ang hindi alam ni Lola Norie, magpupunta rin doon ang kaniyang mga BFF na sina Lola Intang at Lola Nila.
Kaya sa unang pagkakataon matapos ang mahaba-habang panahon na hindi nagkikita nang personal, muli na nilang mayayakap ang isat-isa.
No comments:
Post a Comment