CHECK THIS OUT:

Search

Lalaking nagtapos ng 2 kurso, nanatili sa probinsiya para maging magsasaka



Kahit pa dalawang kurso ang tinapos ng 26-anyos na binata mula sa Murcia, Negros Occidental, pinili pa rin nitong manatili sa kaniyang probinsiya upang  maging isang magsasaka.


Ayon kay Mark Ezzer Ligan, pangarap niya talagang maging seaman ngunit hindi na niya natupad ito dahil sa tutol ang kaniyang ina.


Si Ligan ay nagtapos  ng kursong  Interdisciplinary Studies at ng Marketing Management sa University of Saint La Salle Bacolod noong 2018. Naging basketball varsity player din siya sa naturang paaralan.


Gayunpaman, sa halip na pumasok sa mga trabahong may kaugnayan sa kaniyang mga tinapos, mas pinili ni Ligan na tahakin ang landas ng pag-aagrikultura.


Ayon kay Ligan, nahilig siya sa pagsasaka noong gumawa siya ng feasibility study tungkol sa farming bilang requirement nila noong siya ay nasa third year college pa lamang.


Nagtuloy-tuloy ang interes ni Ligan sa agrikultura kung kaya noong 2017 ay sinimulan niyang i-develop ang kanyang sariling farm—ang MBL Integrated Farm— sa tatlong ektarya lupa na hindi nagagamit ng kaniyang pamilya.


Dito ay nag-alaga siya ng mga kambing na galing pang Australia, mga kalabaw, baka, at manok. Nagtanim din siya ng talong, okra, papaya, guyabano, langka, niyog, at iba.


Sabi ni Ligan, gusto niyang patunayan na ang pagsasaka ay hindi basta-bastang pangkabuhayan. Nais niyang ipamukha sa marami na malaki rin ang pera na maaaring kitain mula rito.


Sa kasalukuyan, naibebenta ni Ligan ang kaniyang mga kambing ng P30,000 kada isa. Nakapagsu-supply din siya ng mga produkto sa palengke sa kanilang lugar kahit pa noong kasagsagan ng pandemyo.


Plano ngayon ng binata na palaguin pa ang kaniyang  MBL Integrated Farm nang sa gayon ay maging isa na rin itong farm tourism destination sa kanilang lugar. 


Source: Pep.ph


No comments:

Post a Comment