CHECK THIS OUT:

Search

80-anyos na lolo, nanalo ng P142.6-M sa lotto pagkatapos ng 15 taong pagtaya


Matapos ang 15 taon pagtaya, sa wakas ay nasungkit na rin ng 80-anyos na lalaki mula sa Leyte ang tumataginting na P142 million jackpot price ng Super Lotto 6/49.


Ayon sa matanda, matagal niya ng pinapangarap na manalo sa lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para makabili ng mga ari-arian na ipamamana niya sa kaniyang mga anak.


At nito lamang Enero 16, 2022, himalang tinamaan ng lolo ang winning numbers na 02-05-04-31-01-46 sa Super Lotto 6/49.


Abot langit ang tuwa ng biglang-yamang matanda kung kaya dali-dali niyang kinuha ang kaniyang milyong pisong premyo sa PCSO central office sa Mandaluyong noong Enero 27.


Sa kabuuan, P114,080,000 ang naiuwi ng matanda, nakabawas an rito ang 20% tax na nakasaad sa ilalim  ng TRAIN Law (Republic Act No. 1169).


Balak daw ngayon ng lucky winner na magpatayo ng negosyo at sariling lotto outlet upang kahit papaano ay mayroon pa rin siyang pagkakitaan.




No comments:

Post a Comment