CHECK THIS OUT:

Search

Dayuhan, 8 taon ng nagtitinda ng gulay sa Pinas matapos perahan ng isang Pinay


Bumuhos ang awa at simpatya sa 61-anyos na dayuhan na walong taon ng nagtitiis sa pagtitinda ng gulay sa Kidapawan River Park mairaos lamang ang kaniyang pag-araw-araw na pamumuhay.


Ayon sa concerned netizen na si Joy Dondan, ang foreigner na si Bryan Laurence ay galing pang New Zealand. Napadpad siya sa Pilipinas matapos makipagkita sa isang Pilipina na nakilala niya online.


Kwento raw ni Laurence,  naloko lamang siya ng kaniyang dating nobya kung kaya naghirap ang kaniyang buhay.


Naibigay raw ng dayuhan ang halos lahat ng kaniyang pera sa Pinay sa paniniwalang magtatayo ito ng negosyo. At ang bahay na akala niya ay nabili niya na, ay kaniya lamang palang inuupahan.


Pero ang mas ikinagulat ni Laurence ay ang katotohanan na hindi pala tunay na babae ang nobyang kaniyang kinakasama.


Nagsampa raw ng kaso si Laurence noon laban sa kaniyang girlfriend ngunit hindi rin umusad ang kaniyang kaso dahil wala siyang sapat na pera pambayad sa kaniyang abogado.


Hindi na rin siya nakabalik sa kaniyang sariling bansa at kalauna'y natuto na lamang magtanim at magbenta ng gulay upang matustusan ang kaniyang pangangailangan.




No comments:

Post a Comment