CHECK THIS OUT:

Search

Jinggoy Estrada, umaasang ng boto mula sa kaibigang sina Sharon Cuneta at Kris Aquino


Malakas ang paniniwala ng dating senador na si Jinggoy Estrada na iboboto siya ng kaniyang malalapit na kaibigan gaya nina Sharon Cuneta at Kris Aquino kahit pa siya ay nasa ilalim ng Uniteam nina  Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte. 


Sa panayam ni Estrada kasama ang PEP.ph, sinabi niya na hindi isyu ang politika sa kaniyang mga kaibigan kahit pa ang mister ng Megastar na si Kiko Pangilininan ay running mate ni Leni Robredo.


“I am confident that Sharon will vote for me. Because friendship goes beyond politics,” sabi ni Estrada. 


Dagdag pa ni Estrada, kahit pa matagal na siyang walang komunikasyon kay Kris, naniniwala siya na pinahahalagahan pa rin nito ang kanilang pagkakaibigan at pagiging ninang ng kaniyang anak.


“Regarding Kris Aquino, she is my kumare and she knows that I am a hardworking senator. So, I am hoping that she will vote for me.”

Source: Pep.ph


No comments:

Post a Comment