CHECK THIS OUT:

Search

Baron Geisler, nakapagtapos na ng kolehiyo sa kursong theology


Sa wakas at natupad na rin ng aktor na si Baron Geisler ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng kaniyang mga pinagdaanan sa buhay.



Sa isang Instagram post noong Martes (April 26), ibinahagi ni Geisler ang ilan sa mga larawan sa dinaluhan niyang commencement exercises sa All Nations College sa Antipolo City.


"My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank You, Lord!” saad ni Baron sa caption.


Kwento pa ng aktor, "(Noong) 2019 tayo nag-start at [ito] na po, nasagot ng Panginoon ang aking pangarap na makapag-tapos ng kolehiyo."


Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaniyang mga fans, kaibigan, at kapwa aktor gaya nina Janno Gibs at Princess Punzalan.

No comments:

Post a Comment