CHECK THIS OUT:

Search

Gerald Anderson, niragaluhan ang P.A. ng motor worth PHP113K

 


Marami ngayon ang naiinggit sa personal assistant ni Gerald Anderson dahil niregaluhan lang naman kasi ito ng astig na motor na nagkakahalaga ng P113,000.


Ayon sa website ng kilalang motorcycle dealer, birthday gift ng aktor. sa P.A. niyang si Jalal Laidan ang Yamaha Aerox 155 na worth P112,900. 


Birthday ni Anak ng Sultan na si Jalal,” ani Gerald sa kanyang P.A.


“’Tapos ngayon, su-surprise na natin siya with a motorcycle. Matagal na niyang pangarap iyan so pagbibigyan naman natin siya.”


Wala namang mapagsidlan ang tuwa ni Jalal sa natanggap niyang regalo. Todo yakap at pasasalamat sa kaniyang long-time boss.


 "Marami salamat sa lahat po! Dream come true! thank you so much my boss my brother! @andersongeraldjr,” caption ni Jalal sa kaniyang Instagram post kung saan pinasalamatan niya si Gerald.

No comments:

Post a Comment