CHECK THIS OUT:

Search

Babae, pinakasalan ang nobyo kahit pa nasa loob ito ng kulungan


Viral ngayon ang kasalan ng isang magkasintahan dahil sa kanilang kakaibang sitwasyon at set up ng kanilang wedding ceremony.


Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" noong April 1, naibalita ang pagpapakasal ang isang babae sa kaniyang nobyo na nakadetine sa isang police station sa Pampanga.


Ayon sa Sto. Tomas Police Station, isang taon ng nakakulong ang lalaki dahil sa kinasangkutan niyang kaso.


Lahat ni Police Captain Glenn Santelices, hepe ng police station, nakiusap sa kaniya ang lalaki kung maaari siyang magpakasal sa kabili ng pagkakadetine.


"Una nag-alangan kaming payagan pero willing talaga siya na magpakasal sa asawa," sabi ng opisyal.


Dagdag niya, hiling daw ng babae na maikasal sa kaniyang nobyo bago lumipad pa ibang bansa upang magtrabaho.


Sa tulong naman ng isang pastor, naituloy ang simpleng kasalan nang walang nilalabag na batas.


Bagama't hindi nagpahayag ng panayam ang bagol kasal, masayang-masaya naman ang mga pulis sa kanilang pag-iisang dibdib kahit pa may rehas na nakapagitna sa kanila.


"Pinatunayan lang po namin na bagaman sila man po ay nakapiit may mga rights naman po sila na puwede namang pagbigyan po," ayon kay Santelices.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment