CHECK THIS OUT:

Search

Ama, naipagtapos ang 6 na anak sa kolehiyo nang dahil sa kaniyang mga raket


Sadyang nakabibilib ang mga magulang na nagagawang pag-aralin ang kanilang mga anak sa kabila ng hirap ng buhay. Gaya na lamang ng amang si Geronimo Tolibas Sr. mula sa Caloocan na napagtapos sa kolehiyo ang anim na anak.


Si Tatay Geronimo ay amang punong-puno ng pangarap para sa kaniyang pamilya, higit lalo sa kaniyang mga anak. Lahat ng trabaho ay kaniyang pinapasok matustusan lang ang kanilang mga pangangailangan.


Minsan ng naging tindero ng mani sa bus terminal si Tatay Geronimo. Naglako na rin ito ng banana cue, siopao, cake, at  pati panali ng buhok. Dati na rin itong nagpadyak at naging isang construction worker.


Bagama't matindi ang kaniyang pagod, bawat butil naman ng pawis ay nasulit dahil nakapagtapos ng pag-aaral ang anim niyang  anak.


Mayroong nakapagtapos ng vocational course sa TESDA, BS Education, Psychology, Political Science, at Accountancy. Lahat ay mayroon na ring kaniya-kaniyang trabaho at maayos na pamumuhay.


Ito ang habambuhay na ipinagpapasalamat ng mga anak ni Tatay Geronimo sa kaniya dahil sa dinami-rami ng pagkakataon na pwede siyang sumuko at tumuloy pa rin siya sa pagkayod para sa kanilang sariling kapakanan.



No comments:

Post a Comment