CHECK THIS OUT:

Search

'Hindi na ako maangas': Baron Geisler, tumino simula nang maging ama


"Nag-soften 'yung character ko. Hindi na ako maangas."


Ito ang paglalarawan ng aktor na si Baron Geisler sa pagbabagong nangyari sa kaniyang pag-uugali simula nang siya ay mag-asawa at maging isang padre de pamilya.


"Siguro yung angas na ‘yan, ilalabas ko ‘yan kapag kailangan ng pamilya...Ilalabas ko sa pagbanat ng buto at, siyempre, dahil may anak at asawa na ako, ayoko na ng gulo," sabi ni Geisler noon sa virtual welcome presscon ng Viva Artists para sa bagong contract star ng talent management agency ng Viva Entertainment.


Dagdag pa nito, kung mayroon mang mag-amok sa kaniya ng away, mas gugustuhin niya na lamang na tumakbo kaysa sa makipagrambulan gaya ng kaniyang nakagawian noon.


"As much as possible, kung may manghahamon sa akin diyan, e, tatakbo na lang ako kasi ayaw natin ng kaaway, lahat kaibigan natin."


Bukod sa pagkakaroon ng anak, malaki rin daw ang kinalaman ng kaniyang pananampalataya sa Diyos kung bakit nagawa niyang magbagong buhay.


Kwento ni Geisler, ang Diyos ang kaniyang naging sandigan sa tuwing siya ay may problema o agam agam sa kaniyang buhay.


"Pero I always pray kasi na kapag talagang wala na ako sa industriya, parang ang feeling ko wala nang kukuha sa akin, I always speak to God na parang, 'Lord, please give me an opening. Please, ust one call, I just need one call to start again.'


"And He hears my prayers. And kung may magsarado man na pintuan, magbubukas naman Siya ng ilan pang mga windows, opportunities."


Source: Pep.ph

No comments:

Post a Comment