CHECK THIS OUT:

Search

Ukay-ukay t-shirt na nabili sa murang halaga, naibenta sa presyong P17,000


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang isang video na kung saan makikita ang mga tao na nagkakagulo sa paghakot ng mga items sa isang ukayan sa Lupon, Davao Oriental.


May mga pagkakataon daw kasi na ang mga nakukuhang items dito ay mga branded at rare kung kaya maaari silang ibenta sa malaking halaga.


Sa isang epsiode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," naibahagi ni Shaira Earl Algara, isa sa mga nakikipag-agawan ng mga ukay-ukay item sa nag-viral na video, na pawang mga reseller gaya niya ang mga kasama niyang naghahakot ng mga maibebentang produkto sa ukayan.


Aniya, siya mismo ay dati ng naka-jackpot ng rare item na naibenta niya sa malaking halaga.


Kwento ni Shaira, nang minsang bumili siya ng ukay-ukay bundle sa halagang P5,500 ay nakakita siya ng t-shirt na patok na patok sa vintage collector.


Paglalarawan niya, ito ay isang itim na t-shirt na may print ng isang lalaki. Medyo kupas na ang kulay nito ngunit maayos pa naman ang mga disenyong nakaimprenta rito.


Ipinost niya raw ito sa Facebook at ibinibenta sa halagang P180 ngunit laking gulat niya nang may mga nag-alok sa kaniyang bilhin ang damit sa halagang P9,000, P17,000, P60,000, at P90,000.


“Nagulat po ako. Hindi ko in-expect na ganoon po pala yung halaga noon. Sa akin po, sana maibebenta ko lang po siya sa PHP180,” paglalahad ni Shaira.


Sa huli, ibinenta ni Shaira ang t-shirt sa kaniyang kaibigan na si Carlo Antonio J. Concepcion sa halagang P17,000. 


Sabi ni Carlo, balak niya ring ibenta ang t-shirt sa ibang bansa sa mas malaking halaga. Sa katunayan ay may nakausap na siya na handang bilhin ang damit sa presyong P60,000 hanggang P100,000.


Ayon sa nakausap na Filipino antique consultant ng KMJS, ang t-shirt ay maituturing ngang vintage at rare. Ang lalaking naka-imprenta rito ay si Shabba Ranks, isang Jamaican dancehall musician mula 80s hanggang 90s.




No comments:

Post a Comment