CHECK THIS OUT:

Search

'Hindi ko sinasadya': Regine Velasquez naging 3rd party ni Ogie Alcasid


Emosyonal na ibinahagi ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez na siya ay naging "third party" sa paghihiwalay ng asawang si Ogie Alcasid at dati nitong misis na si Michelle van Eimeren.


Kwento ni Regine, bagama't masaya siya ngayon sa kaniyang married life, ang pakikiapid niya noon kay Ogie ang isa sa mga bagay na kaniyang pinagsisisihan.


"My husband and I started that way, pero 'yun kasi, we were good friends. Hindi ko naman sinasadya. Kasi pwede rin namang mangyari rin talaga 'yun eh... hindi mo naman pinipili 'yung mga mamahalin mo eh. Parang, gusto ko bang sadyain 'yun, gusto ko ba na merong masaktan? May mga matitinong tao na hindi naman 'yun ang iniisip nila. It's just that, sometimes it happens," emosyonal na sabi ni Regine.


"Meron sa hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time. I don't know kasi hindi naman ako kasali doon eh. But it happened. But I just have to say, it was so difficult. And if I can bring back the time? I love my husband, but if I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan. Na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together," dagdag niya.


Sa ngayon, napatawad naman na daw siya ni Michelle at dalawa nitong anak kay Ogie na si Leila at Sarah. Gayunpaman, patuloy niya pa ring sinisisi ang kaniyang sarili kung bakit nasira ang dating pamilya ni Ogie.


At kahit na napatawad niya na rin ang kaniyang sarili, minsan ay naiisip niya pa rin ang naging mga pangyayari noon at hindi niya maiwasan magsisi at malungkot.


"I think na I'd already forgiven myself, 'yung hindi na ako masyadong nagi-guilty. But once in a while I would remember, or kapag may nangyayari doon sa dalawang girls. But iniisip ko na lang, hindi na 'yun 'yung sitwasyon eh. Ako na 'yung asawa niya eh. I'm not outside anymore, I'm his family now. So tina-try kong tanggapin 'yung sarili ko doon," aniya.


"But again, it's very difficult because the kind of person that I am... I remember things. I don't like anyone... Very sensitive ako na ako na lang 'yung magsasakit-sakitan, kesa masasaktan kita."


Sa ngayon, may isang anak na lalaki si Regine at Ogie. May bagong asawa na rin si Michelle noon pang 2009 at masaya sila ngayong naninirahan sa ibang bansa.


Source: Push


No comments:

Post a Comment