CHECK THIS OUT:

Search

Troy Montero at Aubrey Miles, engaged na matapos ang 18 taon na pagsasama

 



Ibinahagi ni Troy Montero ang balita nang mag-post ito ng larawan nila ni Aubrey Miles habang sila ay nagka-kayak sa Boracay.


Ayon naman sa caption ni Troy na "Together 18 years, Engaged 8 hours... Here's to Forever with you!" . May hiwalay namang post itong si Aubrey sa kaniyang post sa IG, ipinahayag ng aktres ang kaniyang kasiyahan sa kanilang engagement ni Troy.


"Woke up to this forever happiness. I’ve always known it’s him," nakasaad sa caption ni Aubrey na makikita ang diamond engagement ring.


"Yesterday, I realized how exciting it is to get engaged and wearing a ring on my left hand," patuloy niya. Ikinuwento rin ng aktres na nag-thank you muna siya bago nag-Yes! kay Troy.


"It’s too beautiful not to share this. If you know how It went down? I said 'Thank you and YES! ' Lol pag kita ko sa ring napa thank you muna ako bago Yes," saad pa niya sa caption.


Nito lang March 16 nang ipagdiwang ni Aubrey ang kaniyang 42nd Birthdy sa Boracay. halos isang buwan daw maninirahan sa Boracay ang pamilya para maranasan ng kanilang anak ang pamumuhay doon.


Sa darating na Setyembre, ipagdiriwang nina Troy at Aubrey ang ika-19 na taon ng kanilang pagsasama. Mayroong dalawang anak sina Aubrey at Troy na si Hunter at Rocket. At may isa pang anak ang aktres sa nauna niyang karelasyon.

No comments:

Post a Comment