CHECK THIS OUT:

Search

Pamilyang nakikinood ng tv sa kapitbahay, sinaraduhan ng bintana at pinto


Bumuhos ang simpatya ng netizens sa isang pamilya na sinaraduhan ng pinto at bintana ng kapitbahay habang sila ay nakikinood sa telebisyon ng mga ito.


Sa mga larawang kumakalat ngayon online, makikita ang isang pamilya na nasa tapat ng isang bahay.


Mayroong apat na bata na nakadungaw sa bintana at nanonood. May isa rin matandang nakasaklay na nakaupo sa tabi ng pintuan at nakikisipat sa telebisyon. 


Iyon nga lang, biglang nagsiuwian ang magpamilya nang biglang isarado ng kapitbahay ang kanilang bintana at pinto. Ibinaba rin ng mga ito ang kanilang kurtina upang masiguradong walang makapapanood.


Dahil dito, maraming netizens ang nainis sa pobreng kapitbahay at naawa sa magpapamilya.


May ilang din sa mga nagbigay ng komento ang naka-relate umano dahil maging sila ay naranasan ding masaraduhan ng bintana at pinto habang nakikinood sa kapitbahay.


Anila, dapat sana ay maging mabuti na lamang ang mga tao sa kanilang kapwa sa ganoong mga kasimpleng bagay lalo pa at labis na nakalulungkot ang mapagsungitan at mapagkaitan.


No comments:

Post a Comment