CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, umasenso dahil sa pagkain ng hilaw na insekto at seafood


Nakadidiri man para sa marami ang pagkain ng mga exotic food gaya ng hilaw na insekto at seafood, ito naman ang naging tulay para sa content creator na si "Boy Tapang" upang umasenso at makaranas ng magandang pamumuhay.


Isang vlogger si Boy Tapang o Ronnie Suan at ang karaniwan niyang itinatampok sa kaniyang mga vlog ay ang paglantak niya sa mga hilaw na insekto at seafood.


Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ni Boy Tapang na malaki ang naging pagbabago sa kaniyang buhay simula nang i-vlog niya ang pagkain niya ng mga exotic food, maging ng mga bulate.


Dahil sa kakaiba niyang pakulo, umani siya ng libo-libong viewers at kumikita na rin nang higit pa sa mga nasubukan niya ng trabaho.


Sa laki ng kinikita ni Boy Tapang, nabibili niya ang kaniyang mga gusto, gaya ng bahay at motorsiklo. Nasusuportahan niya rin ang kaniyang pamilya at nakatutulong pa siya sa kaniyang kapwa.


"Sobrang laki ng pinagbago ang buhay ko. Nakabili ako ng mga gusto ko at nakatulong ako sa ibang tao, pahayag ng content creator sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

No comments:

Post a Comment