CHECK THIS OUT:

Search

Kakampink? Kris Aquino ipinagbawal ang red heart emoji sa kaniyang IG post


Umaani ngayon ng samu't-saring komento online ang "Queen of all Media" na si Kris Aquino matapos niyang sabihan ang kaniyang fans na huwag na munang gumamit ng pulang heart emoji sa kaniyang Instagram post.


Nito kasing nakaraang linggo ay nagbahagi ng update tungkol sa kaniyang kalusugan ang dating aktres. 


Aniya, sasailalim na siya sa mga diagnostic test na inirerekomenda sa kaniya ng kaniyang mga doktor bago pa man siya lumipad pa-Amerika upang magpagamot.


"BECAUSE i’m very GRATEFUL for all your prayers… bago mag next dose ng Xolair about a week from now, (which i am reacting to in a good way) gagawin ko na yung tests requested by my hematologist, who was also our mom’s oncologist, Dr Francis," sabi ni Kris.


Marami naman ang nagpadala ng nakaantig na mensahe sa comment section ng kaniyang IG post. Ngunit nang may isang fan na sumulat sa kaniya ng thoughtful message na may kasamang pulang heart emojis, hindi napigilan ni Kris na mag-react.


Sagot ni Kris, huwag na muna gumamit ng red heart emoji. Mas maigi na magpadala na lamang sila ng dilaw na heart emoji o iyong heart emoji na mayroon kulay dilaw na laso.


Sabi pa niya, "I'm sure gets nyo na why wag muna red." 


Marami naman sa kaniyang mga supporter ang sumunod ngunit mayroon din na bumatikos sa kaniya at nagpatuloy sa pag-send ng red emojis sa comment section ng kaniyang IG post. 


Halatado kasi na  ang pagbabawal ni Kris sa paggamit ng red emoji ay may kinalaman sa hindi niya pagsuporta sa pagkapangulo ng dating senador na si Bongbong Marcos na may kulay pulang campaign color.


Si Bongbong ang isa sa mga anak ng diktador at dating pangulo na si Ferdinand Marcos na mahigpit na nakalaban ng pamilya Aquino sa politika noong mga nakaraang dekada.


Samantala, bakas naman ang suporta ni Kris sa pagtakbo ni Vice President Leni Robredo sa pagiging bagong lider ng bansa. Noong nakaraang taon ay tinulungan niya pa nga ito sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Kabangkalan at Himamaylan, Negros Occidental.


No comments:

Post a Comment