CHECK THIS OUT:

Search

Pamilyang nakatira sa kural ng baboy, nabiyayaan ng bagong bahay


Mula sa mabaho at masikip na kural ng baboy, sa wakas ay magiging komportable na rin ang buhay ng isang pamilya matapos silang mabiyayaan ng libre at bagong tahanan.


Ayon sa ulat ng GMA Public Affairs, nasalanta  ng bagyong Rolly noong 2020 ang tinitirhang tahanan nina Aling Lilibeth at ng kaniyang pamilya.


Dahil walang pampagawa ng bagong bahay, napilitan ang walong magkakaanak na manirahan sa kural ng baboy.


Bagama't nahihiya sila kung minsan, wala naman silang magagawa kung hindi magtiis na lamang.


“Naamoy namin ‘yung baho nagsisingaw kasi nandun ‘yung mga dumi ng baboy. Tinitiis-tiis lang namin.”


“Hindi gaya ng talagang tunay na bahay. Parang nahihiya kami kapag may dumarating. Sabi, ‘Ah kulungan ng bbaboy ito?’ Sabi ko, ‘Wala kasing paggawa ng bahay kaya dito nakatira. Baka balang araw makapagpagawa rin kami.’”


Kaya naman nang malaman nilang nagpapapremyo ng bagong bahay ang programang "Unang Hirit," agad na naisipan ng anak ni Aling Lilibeth na si Engie na sumulat sa pag-asang manalo ng bahay para sa kaniyang pamilya.


Sa kabutihang palad, sila ang napiling winner ng brand new house mula sa Camella. Lubos ang kasiyahan ng pamilya dahil sa hinaba-haba ng panahon, sa wakas ay makapapanirahan na sila sa maaliwalas at komportableng tahanan.




No comments:

Post a Comment