CHECK THIS OUT:

Search

Magkasintahan, nagtapos ng Magna Cum Laude, pareho ring board topnotchers


Sabi ng marami, mas mainam na mag-aral muna bago atupagin ang pakikipagrelasyon dahil makasasagabal lamang ito sa pangarap.


Pero pinatunayan ng magkasintahang sina Jonel Gallaza at Jhane Eyre "Jani" Olmedo mula sa Leyte na mali ang ganitong paniniwala matapos nilang magtapos bilang magna cum laude at makasungkit ng pwesto sa listahan ng mga board topnotcher. 


Si Jani at Jonel ay naging mag batchmate sa Leyte Normal University at naging magkaklase rin sa ibang subjects. Kumukuha ng kursong Bachelor in Secondary Education Major in Mathematics ang binata habang Bachelor in Secondary Education Major in Biological Sciences naman ang sa dalaga.


Noong 2019, parehas silang nakapagtapos sa kolehiyo na may karangalang magna cum laude. 


Unang nag-take ng Licensure Examination for Teachers si Jonel noong September 2019. Nakakuha siya ng 91 percent rating dahilan upang siya ay maging top 8 sa listahan ng mga nakapasang board examinees.


Dahil inabutan na ng pandemya, taong 2022 na nang nakapag-take ng board exam si Jani. Sulit naman ang kaniyang paghihintay dahil nakakuha siya ng 92.40 rating na siyang nagluklok sa kaniya sa top 3  sa kabila ng  22,454 secondary teachers na kasama niyang nag-take ng board exam.


Ayon sa dalawa, ang presensiya nila sa bawat isa ay nakatulong upang maabot ang kanilang mga pangarap.


Nang magtapo sila, pareho na nilang goal na maka-graduate na may latin honor. Kaya naman nang magsimula na silang magkamabutihan ay sila na lagi ang sabay at nagtutulungan sa pag-aaral.


Hanggang sa sila ay makapagtapos ay naging sandigan ng magkasintahan ang isa't-isa.


Sabi pa nga ni Jani, si Jonel ang nagsilbi niyang inspirasyon upang matupad ang pangarap niya na maging board topnotcher din balang araw. 


“Siya po ang first ko na inspiration para ma-reach yung dream ko na iyon,” sabi ni Jani sa interview niya sa TeleRadyo noong March 17, 2022.


Naging supportive naman si Jonel sa goal ng kaniyang girlfriend. Sa katunayan ay tinulungan niya pa ito sa pag-review lalong-lalo na sa math na kung saan may kahinaan si Jani.


Bagama't hadlang noon ang mga magulang ni Jani sa kaniyang pakikipag-relasyon niya kay Jonel, aniya, hindi naman talaga hadlang sa pag-aaral ang pagkakaroon ng lovelife. Basta dapat ay alam niyong pareho ang mga limitasyon niyo at prayoridad sa buhay. 


Importante rin na maipakita niyo sa inyong mga magulang na mayroon kayong magandang impluwensiya sa isa't-isa nang sa gayon ay mabuo ang kanilang tiwala sa inyong relasyon.


Source: PEP.ph


No comments:

Post a Comment