CHECK THIS OUT:

Search

Nilutong sardinas na may misua ng ina, hindi kinain ng anak dahil hindi raw masarap


Maraming netizens ang nalungkot matapos makita ang isang ina na kinakaing mag-isa ang niluto niyang sardinas na sinahugan niya ng misua.


Ayon sa isang netizen na nagbahagi ng larawan sa kaniyang FB page na AmbonTV John, nanay niya raw ang nasa viral na FB post.


Aniya, mag-isang kumakain ang kaniyang ina dahil ayaw kainin ng kaniyang nakababatang kapatid ang kanilang ulam.


"Nakita ko mama ko kumakain ma isa tapos tinanong ko bakit parang malungkot sya. Ayaw daw kumaen ng kapatid ko kase yung nilutong ulam e nasobrahan sa lapot nawalan ng sabaw. Sumablay daw ng luto hindi daw masarap."


"Ang ginawa ko. Kumuha ako ng kanin kahit busog pa ako kinaen ko yung nilutong ulam ng mama ko para ipakita na naappreciate ko yung luto nya. Sabe ko nga masarap naman luto nya e. Tapos yun ngumiti na. Pero masarap talaga sya nawalan lang ng sabaw."


Marami naman ang humanga sa butihing anak dahil nagawa nitong pahalagahan ang pinaghirapan ng kaniyang ina.


Payo naman ng netizens sa kaniyang kapatid, nawa ay matutunan niyang magpasalamat at magbigay halaga sa ginagawa ng kaniyang magulang, gaano man ito kaliit o kalaki.


No comments:

Post a Comment