CHECK THIS OUT:

Search

Babaeng mula sa tribo ng Tau't Batu, todo sikap para makapagtapos ng kolehiyo


Nagsisilbi ngayong inspirasyon ang 23-anyos na si Elizabeth Tarlac sa mga kapwa niya indigenous peoples (IP) dahil sa kaniyang matinding determinasyon upang makapagtapos ng pag-aaral.


Si Beth ay isa na ngayong 4th year college student. Siya ay kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship sa Palawan State University-Rizal College Community Resources Development (PSU-Rizal).


Siya ay mula sa tribong Tau't Batu na karaniwang matatagpuan sa Mount Mantalingahan na nasa Timog ng Palawan.


Ayon kay Beth, siya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Dahil kapos ang kanilang pamilya sa pera, kinailangan niyang magtrabaho upang matustusan ang kaniyang pag-aaral.


“Noong elementary ako, nakitira ako sa auntie ko kasi wala na akong tatay. Noong tumuntong ako ng K-12, kailangan ko nang mag-working student."


“So, nag-working student ako noong Grade 12 hanggang second-year college.”


Bukod sa pamilya, inspirasyon din daw niya ang tiyahin niyang si Juda Diklay, isang guro at kauna-unahang Tau't Batu na nakapagtapos ng pag-aaral.


Sa oras na makatapos si  Beth, plano niyang mag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang negosyo.


Payo niya sa kapwa niya kabataan, "pahalagahan natin ang bawat pagkakataon. Hindi talaga hadlang ang kahirapan katulad sa working student na gaya ko. Hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang mga pangarap natin sa buhay.”


Source: Pep.ph



No comments:

Post a Comment