CHECK THIS OUT:

Search

Lalaking hindi pinasahod, mula Maynila naglakad pauwing Laguna; bumagsak sa kalsada dahil sa gutom


Umani  ng simpatya mula sa mga netizen ang isang lalaking makailang beses bumagsak sa kalsada dahil sa labis na pagod at gutom.


Ayon sa concerned netizen na si Gen Manzano, pauwi raw ang lalaki sa kaniyang pamilya. Mula Maynila ay naglalakad lamang ito patungong Laguna dahil hindi raw siya pinasahod ng kaniyang amo.


Marami namang mga tao ang tumulong sa kaniya at nag-abot ng kaunting tulong dahil sa labis na awa.


Gayunpaman, may ilang nagsasabi na hindi totoo ang kwento ng lalaki. Modus niya lamang umano ito nang sa gayon ay makakuha siya ng pera, pagkain, at iba pang klase ng tulong sa mas madaling paraan.


May ilang netizens na nagsabi na minsan na rin nilang namataan ang lalaki sa Baclaran. Nagpapatumba rin umano ito habang naglalakad at sinasabing galing pa siya sa malayong lugar upang kaawaan.


1 comment: