CHECK THIS OUT:

Search

Buntis na idineklarang patay, bigla umanong sumigaw isang araw matapos ilibing


Sa bayan ng La Entrada sa bansang Honduras, may isa umanong babae ang biglang nabuhay matapos ideklarang patay at ilibing ng kaniyang mga kaanak.


Ayon sa ulat, nang makarinig ng tatlong putok ng baril ang tatlong buwang buntis at 16-anyos na si Neysi Perez, natakot ito at agad na bumagsak sa lupa dahil sa panic attack.


Bumula ang kaniyang bibig at inakala ng kaniyang pamilya na ito ay nasasaniban kung kaya dinala siya ng mga ito sa isang pari.


Makalipas ang ilang miinuto, dahil hindi pa umaayos ang lugar ni Perez, ay dinala na siya sa ospital kung saan idineklara siyang dead on arrival.


Pinaghandaan ng kaniyang pamilya ang kaniyang burol at libing. Ipinasuot pa nga rito ang wedding gown na ginamit niya nang ikasal siya sa kaniyang asawang si Rudy Gonzales.


Isang araw matapos siyang maihatid sa kaniyang himlayan, narinig daw ni Rudy na sumisigaw at humihingi ng tulong si Perez na nasa loob na ng puntod.


Nagulat umano sa rudy at nagtawag ng mga kasama upang gibain ang puntod ni Perez na gawa sa semento.


Nang mailabas na nila si Perez, nakitang basag ang salamin ng kabaong nito at bakas din ang mga galos niya sa mga daliri at kamay.


Agad na dinala si Perez sa ospital ngunit kahit na anong gawin ng mga doktor ay hindi pa rin itong bumabalik sa buhay.


Ayon ospital, marahil ay imahinasyon lamang ni Rudy at ng kaniyang pamilya ang kanilang narinig dahil sa labis nilang pangungulila.


Gayunpaman, hindi pa rin maipaliwanag kung bakit may mga galos sa daliri at kamay si Perez.



No comments:

Post a Comment