CHECK THIS OUT:

Search

21-anyos na estudyanteng pinagsasabay ang pag-aaral at pamamasada ng tricycle, nagbibigay inspirasyon online


"Walang mahirap sa taong nangangarap."


Ito ang pinatunayan ng 21-anyos na binata na pumukaw sa atensyon ng netizens dahil sa kaniyang tiyaga sa pag-aaral kahit pa araw-araw itong nagbabanat ng buto sa pamamasada ng tricycle kumita lamang ng pera.


Nag-viral online ang grade 11 student na si Michael Jabal  matapos ibahagi ng traffic enforcer na si Markiel Moriel ang video nito habang nagsasagot ng kaniyang takdang-aralin sa kaniyang tricycle.


Ayon kay Moriel, ipinost niya ang kwento ni Michael sa social media dahil labis itong napahanga sa dedikasyon ng binata gaano man kahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.


Kwento ng uploader, tuwing walang online class si Michael ay namamasada ito at habang naghihintay naman ng pasahero ay ginagawa niya ang kaniyang mga assignments.


Sa maghapon ay kumikita siya ng P200, bagama't hindi ito sapat para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, patuloy pa rin siya sa pagkayod bilang tulong sa kaniyang mga magulang na kapwa mayroon ng edad.


Laking pasasalamat na lamang daw ni Michael at biniyayaan siya ng lakas upang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Kahit papaano ay masaya pa rin siya at mayroon siyang oportunidad upang tuparin ang pangarap niyang maging isang sundalo.


No comments:

Post a Comment